May 18, 2026

Home BALITA Politics

Romualdez, 'di keri mabantayan dahil sa kakatutok sa impeachment—Rep. Barzaga

Romualdez, 'di keri mabantayan dahil sa kakatutok sa impeachment—Rep. Barzaga
Photo courtesy: MB file photo

Pinatutsadahan ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga ang nagpapatuloy na pagdinig ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang social media post nitong Miyerkules, Abril 22, 2026, iginiit niyang tila hindi na raw nabantayan ang umano’y paglabas ng bansa ni dating House Speaker at Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez dahil umano sa pagiging abala ng gobyerno sa impeachment.

“Nakalabas na ng bansa si Romualdez? ‘Di n’yo nabantayan, puro kasi kayo impeachment,” ani Barzaga sa Facebook post.

Matatandaang isa si Barzaga sa mga personalidad na nag-uugnay kay dating House Speaker Romualdez hinggil sa kinalaman umano niya sa anomalya sa kontrobersyal na flood control projects.

Noong Steymbre 2025 nang magsimulang tuligsain ni Barzaga ang noo’y liderato ni Romualdez matapos ang nagging pagkalas niya noon sa kaniyang partido sa National Unity Party bunsod umano ng akusasyon sa kaniyang nag-uugnay na patatalsakin niya noon sa puwesto si Romualdez.

Politics

'Mahal n'ya mga Pilipino!' Sen. Robin, 'di umalis ng bansa si Sen. Bato

KAUGNAY NA BALITA: Cavite solon na iniugnay sa pagpapatalsik kay Speaker Romualdez, kumalas sa majority bloc 

Gumawa naman ng ingay ang paglabas ng bansa ni Romualdez matapos umano siyang magpaalam hinggil sa kaniyang medical check-up sa Singapore na tatagal hanngang sa Mayo 4, 2026.

Kaugnay nito, nilinaw din ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hindi niya pinayagan ang hiling ni Romualdez na makalabas ng bansa dahil sa posibilidad na hinri na raw ito bumalik.

MAKI-BALITA: Kampo ni Romualdez, dumepensa sa isyu sa ‘travel clearance’ at sa Ombudsman

Noong Abril 6 nang ihayag ng Ombudsman ang napipintong pagsasampa nila ng kaso laban kay Romualdez at dating Senate President Chiz Escudero hinggil sa pagkakasangkot umano nila sa maanomalyang flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: 'Flood control-related!' Romualdez, Escudero, napipintong makasuhan ng plunder