September 13, 2024

Home SPORTS

EJ Obiena, nagpasalamat sa suporta: 'I will get back up'

EJ Obiena, nagpasalamat sa suporta: 'I will get back up'
Photo Courtesy: EJ Obiena (FB)

Nagpaabot ng pasasalamat ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena sa bawat isang naniwala at sumuporta sa laban niya sa 2024 Paris Olympics.

Sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Agosto 6, inihayag ni Obiena ang kaniyang naramdaman sa naging resulta ng kaniyang laban.

“4th place is painful to say the least; and in sports with three podium places, perhaps 4th is the harshest place to be. I am heartbroken that a single failure cost me and cost a nation I so deeply love—the podium," lahad ni Obiena.

Dagdag pa niya: "I apologise for this outcome; such is life as the world of competitive sports can be exhilarating at times, and painful at others. I have experienced both and unfortunately today I am on the other side of it!" 

Sen. Pia Cayetano umalma sa bagong polisiya ng UAAP; labag daw sa batas?

Gayunman, sa kabila ng nangyari, proud pa rin umano siya sa nagawa niya bagama’t hindi maitatangging naroon pa rin ang sakit sapagkat muntik na siyang makasungkit ng Olympic medal.

“As anyone can imagine the reality is still sinking in and I am processing the outcome,” sabi pa niya.

Sa huli, binanggit niya pa ang kapuwa Pilipinong manlalaro sa Olympics na si Carlos Yulo na nagkamit ng dalawang gintong medalya sa gymnastic.

Ani Obiena: “Carlos Yulo has already made this an Olympics to remember and I salute him.  I am sorry I didn’t join him on the podium but I will be back.“

“‘The good get up’ as they say.  I have been knocked down. But I will get back up,” pahabol pa niya.

Matatandaang humingi si Obiena ng paumanhin at naging emosyunal matapos niyang mag-rank 4 sa finals ng pole vault.

MAKI-BALITA: 'I came short, I'm sorry!' EJ Obiena, emosyunal matapos mag-landing sa rank 4 ng vault finals