September 20, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

'Nagkita na!' David Licauco, na-starstruck kay Maria Ozawa

'Nagkita na!' David Licauco, na-starstruck kay Maria Ozawa
Photo Courtesy: David Licauco (IG)

Inamin ng “Pulang Araw” at Pambansang Ginoo na si David Licauco na napahanga umano siya sa beauty ni Japanese adult-film actress Maria Ozawa.

Sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Linggo, Agosto 18, ibinahagi ni David ang pagkikita nila ni Maria sa taping ng “Pulang Araw.” kung saan ginagampanan nito ang role bilang nanay niya.

“Actually paakyat dito nakita ko si Maria Ozawa. Nagulat ako na nandyan siya saka ang ganda niya," lahad ni David.

Matatandaang nag-trending si David sa isang episode ng “Family Feud” noong Enero 2024 matapos niyang isagot ang pangalan ng Japanese adult-film actress bilang kilalang “Maria.”

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

MAKI-BALITA: 'Only legends know!' Sagot ni David Licauco sa 'Family Feud,' kinaaliwan

Kasunod nito ay nagbigay ng reaksiyon si Maria sa sagot na ito ng aktor na ibinahagi niya sa pamamagitan ng isang Instagram story.

MAKI-BALITA: Alams na! Maria Ozawa kay David Licauco, 'He's so cute!'