Isa sa mga pinagmumulan ng stress ang trabaho. Maaaring dahil sa unrealistic deadlines, tambak na workloads, o lagpas na work hours.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang stress ay mental tension na dulot ng mahihirap na sitwasyon.
Bagama’t ang bahagyang stress ay pwedeng makatulong sa trabaho, hindi pa rin maiaalis ang katotohanang makakasama ito sa katawan at mental na kalusugan ng indibidwal kapag sumobra.
Pwedeng maging dahilan ito ng pagsusuka, heartburn, headaches, insomnia, chest pain, obesity, heart disease at iba pa.
Kaya bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Employee Health and Fitness Day, narito ang ilang paraan upang maiwasan—o kung hindi man—mabawasan ang stress na nararanasan sa trabaho upang maging malusog at fit ang mga empleyado.
Ayon sa U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC), maaari umanong magbigay ng access ang employer sa mga pasilidad, lokasyon, o programa na para maging physically active ang mga manggagawa.
Mungkahi rin nila ang pagbuo ng mga club o pag-oorganisa ng mga kompetisyon na hihikayat sa mga empleyado na gumalaw at magpapawis.
Bukod dito, makakatulong din umano ang pagbibigay ng kabatiran sa mga empleyado tungkol sa halaga ng physical activity.
Samantala, ayon naman sa artikulo ni Jacquelyn Smith na pinamagatang “How To Create A Stress-Free Work Environment,” malaking salik umano ang pagiging disorganisado sa stress ng isang tao.
Ani Susan Kousek, isang Certified Professional Organizer, “Our productivity is impacted by our level of organization. Disorganization bothers most people and causes stress. The clutter of disorganization drags many workers down.”
Kaya mahalaga ang pagpapanatili sa kalinisan at kaayusan ng isang opisina.
“A complete filing system and storage space can help you to organize your office in such a way where everything is in place and in reach for work,” mungkahi ni Sherry Burton Ways, isang author at interior designer.
Dagdag pa niya, makakatulong din umano ang paglalagay ng mga personal na gamit sa mesa, cubicle o opisina. Puwedeng larawan, art works, libro, action figure special lamp.