May 20, 2026

Home FEATURES

Paano nga ba magiging milyonaryo ang isang tao?

Paano nga ba magiging milyonaryo ang isang tao?
Photo courtesy: Unsplash


Sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino, sari-sari ang pinagdaraanang pagsubok ng bawat isa—sa pamilya, trabaho, negosyo, pag-aaral, at komunidad.

Pero maliban sa mga ito, hindi hamak na papabor ang lahat kung sasabihing isa ang pera sa pinakaproblema ng nakakarami.Kung simpleng pera ay problema na, paano pa kaya kahirap bumuno ng milyon?

Pero ayon sa pahinang mababasa sa Investopedia, hindi ito imposible! 

1. Mag-ipon nang maaga

Ayon sa Investopedia, mahalagang matuto ang isang Pinoy na mag-impok sa maagang panahon.

Isabay na rin dito ang pagbuo ng savings plan para sa iyong utang, kita, at financial goals—upang matiyak na napupunta sa tama ang perang pinagpapaguran.

2. Bawasan ang paggastos at pangungutang

Human-Interest

'Must find' sa kauna-unahang Pokemon Play Hub sa Pilipinas!

Iwasan ang pagbili ng mga bagay na hindi kailangan, lalo pa kung hindi sapat ang kinikita.

Laging tanungin ang sarili: Kailangan ko ba ito? Luho ko lang ba ito o para makapagyabang lang? Mayroon na ba akong ganito? Mas gusto ko ba ito kumpara sa pagiging milyonaryo?

Sa paraang ito, maiiwasan ang labis na paggastos at matitipid ang pera.

3. Pumera nang mas malaki

Kailangan ng mas malaking pera upang mas makapag-ipon nang mas malaking pera.

Ilan lamang sa mga paraan ay ang pagpasok sa trabahong malaki ang sahod, side hustles, pangalawang trabaho, at iba pa.

4. Iwasan ang “lifestyle inflation”

Ang “lifestyle inflation” ay isang karaniwang problema ng mga taong nais mag-ipon.

Hindi ibig sabihing may mas malaki kang pera, mas malaki na ang kailangang igasta.

5. Kumausap ng isang financial advisor

Isa rin sa mga paraan para dito ay ang magkaroon ng isang regular na dayalogo sa mga eksperto pagdating sa pera.

Ituturo ng mga ito sa iyo ang tamang paggamit ng pera, pagpili ng investments na mahalaga sa buhay, at ang bumuo ng plano upang mas palakihin pa ang ipon.

Ang paghahangad ng pagiging milyonaryo ay hindi lamang isang ideya—kailangan itong samahan ng aksyon at determinasyon upang makaipon nang mas malaki para sa kinabukasan.