Mukhang nakarating na raw sa kaalaman ng Japanese adult-film actress na si Maria Ozawa ang viral video clip ni Pambansang Ginoo at Kapuso Star David Licauco sa pagkakasambit ng pangalan niya sa laro nito sa "Family Feud Philippines" kamakailan.

Ang tanong kasi ng TV host na si Dingdong Dantes, "Fill in the blank. Maria ______ [blank].

Kalaban ng family o team ni David ang koponan ng katambal na si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, kung saan bibida sila sa upcoming seryeng "Pulang Araw."

Nauna na kasing nasagot ang "Maria Clara" ng isa sa kaniyang teammates, kung saan katunggali nila ang team o family naman ni Barbie Forteza.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Nang tanungin na ng host na si Dingdong si David, ang isinagot niya ay "[Maria] Ozawa."

Natawa na lamang ang lahat sa sagot ng aktor. Nang i-check kung kasama ba sa survey si Maria Ozawa, unfortunately ay wala ito.

Marami tuloy ang bumiro kay David na baka raw pinanood nito ang mga pelikula ni Ozawa noong bata pa ito.

MAKI-BALITA: ‘Only legends know!’ Sagot ni David Licauco sa ‘Family Feud,’ kinaaliwan

Samantala, kalat naman sa social media ang Instagram story ni Ozawa sa video clip, na shinare naman ng isang netizen.

"He's so cute," text caption dito ng Japanese actress.

Photo courtesy: Maria Ozawa (IG) via Newspapers (FB)