Laugh trip ang hatid ng sagot ni "Pambansang Ginoo" David Licauco sa tanong sa "Family Feud Philippines" tungkol sa mga kilalang "Maria."

Nauna na kasing nasagot ang "Maria Clara" ng isa sa kaniyang teammates, kung saan katunggali nila ang team o family naman ni Barbie Forteza.

Nang tanungin na ng host na si Dingdong Dantes si David, ang isinagot niya ay "Maria Ozawa."

Natawa na lamang ang lahat sa sagot ng aktor. Nang i-check kung kasama ba sa survey si Maria Ozawa, unfortunately ay wala ito.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Pero sino ba kasi si Maria Ozawa?

Si Maria Ozawa ay isang Japanese at dating "adult film" actress at nakilala sa industriya ng adult entertainment sa buong mundo.

Ngunit, matapos ang ilang taon sa industriya, nagdesisyon si Maria Ozawa na umalis sa adult film industry at mag-focus sa ibang larangan ng sining at entertainment.

Narito naman ang ilan sa mga aliw na reaksiyon at komento ng netizens.

"DAVID THE LEGEND"

"Kaya ka ba tumangkad lodi?"

"Alam na this, David the legend."

"Alam na alam ng kalalakihan 'yan at mga manginginom haha."