September 20, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bagong karelasyon ni Bea Alonzo, Pinoy-British?

Bagong karelasyon ni Bea Alonzo, Pinoy-British?
Photo Courtesy: Bea Alonzo (FB), Freepik

Palaisipan para kay showbiz insider Ogie Diaz kung kailan umano aaminin ng Kapuso star na si Bea Alonzo relasyon nito sa isang Pinoy-British.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, napag-usapan ang tungkol sa kasalukuyang estado ng lovelife ni Bea.

“‘Yon nga ‘yong balita natin, Loi, na may nagmamahal na kay Bea at may minamahal na rin siya. At itatanong na rin natin dito….kailan daw sila aamin ni Michael Needham—’yong isang British na isa sa mga may-ari ng Uma Nota,” saad ni Ogie.

Dugtong pa niya: “Tapos nitong nakaraang Gala GMA, after the Gala, diretso sila sa Uma Nota with some of her friend. Syempre, nagtatanong na ‘yong ibang bisita do’n kung kailan ba aamin.”

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Kaya naman, ito raw ang gustong itanong ni Ogie sa GMA showbiz reporter na si Nelson Canlas sapagkat ito lang umano ang nakakadirekta kay Bea.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na napag-usapan ang tungkol sa bagong relasyon ni Bea. Sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Hunyo, na-ispluk ni Ogie na may nakakakita umano sa aktres na may kasamang lalaki sa airport.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, tinanong si Bea Alonzo kung sino raw ang lalaking kasama sa airport