Ibinahagi ni dating Vivamax sexy actress AJ Raval ang kasalukuyang estado ng relasyon nila ng partner niyang si Aljur Abrenica.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, kinumusta ng host ang pagsasama nina AJ at Aljur bilang partners.
"Okay po kami," sagot ni AJ. "Iba't ibang relationship po 'yong mayroon kaming dalawa—minsan magkapatid, magbarkada, mag-partner, minsan mag-nanay, mag-tatay."
Samantala, hindi naman itinanggi ng dating sexy actress na paminsan-minsan ay nag-aaway din sila ni Aljur.
Aniya, “Minsan, umabot na rin kaming nagsigawan kami, madalang na madalang. Kagabi, nag-away kami, pero bulungan lang."
Bukod dito, inamin din ni AJ na noong nagsisimula pa lang ang relasyon nila ni Aljur ay maraming umaaligid sa kaniyang partner. In fact, nagme-message at pinpuntahan pa nga raw si Aljur sa bahay nito.
“Tapos lumilipas 'yong panahon, siguro nakaka-realize po siya kung ano 'yong tama at hindi tama. Ngayon po, we are okay. Wala po kaming nagiging problema pagdating sa ibang tao," saad niya.
Ayon kay AJ, sobrang mature na tao umano ni Aljur. Kinakausap daw siya nito at binibigyang-katiyakan para hindi siya mag-alala.
Paniniyak pa niya, “Sobrang loyal niya. At ‘yon ang foundation ng relationship namin. Loyalty.”
Sa kasalukuyan, isa nang ina si AJ sa lima niyang anak. Tatlo sa mga ito ay anak niya kay Aljur.
Inamin niya ang tungkol dito nang sumalang siya sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” Nobyembre 2025.
Kaugnay na Balita: 'Not just 1, not just 2, but 3!' AJ umamin na, nakatatlong anak na kay Aljur!