September 20, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Michelle Madrigal, ikinasal na sa jowang afam

Michelle Madrigal, ikinasal na sa jowang afam

Habang nananalasa ang super bagyong Carina at sinamahan pa ng southwest monsoon o habagat ang Pilipinas, ibinalita ng dating Kapuso actress na si Michelle Madrigal na ikinasal na siya sa kaniyang foreign boyfriend na si Kevin Neal ayon sa kaniyang latest Instagram post.

Batay sa petsa, ikinasal ang dalawa noong Hulyo 22.

"Signed. Sealed. Delivered."

"Kevin and I shared a deeply intimate union yesterday. While we still plan to celebrate our wedding with our loved ones, for now, we are overjoyed to be married. We are two people seeking the Lord to grow individually and as a couple, and to guide Anika and our future children," aniya pa.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Noong Hunyo ay masayang ibinalita ni Michelle na siya ay engaged na. 

MAKI-BALITA: Michelle Madrigal, kinumpirmang engaged na!

Si Michelle ay dating kasal kay Troy Woolfolk subalit nagdiborsyo sila noong 2022. May isa silang anak na babae na si "Anika."

MAKI-BALITA: Michelle Madrigal proud sa sarili: ‘Divorced. Single. Mom of 1’

Noong 2022 ay nagkaroon ng panibagong karelasyong afam si Michelle subalit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon. Dahil nga dito ay tinawag pang "Patron Saint of Dating Apps" si Michelle dahil nakilala raw niya sa dating app ang nabanggit na boyfriend.

MAKI-BALITA: Matapos makakilala ng afam: Michelle Madrigal, binansagang 'patron saint of dating apps' ng netizens