Nilinaw ni Senate President Alan Peter Cayetano na wala umanong kaugnayan sa impeachment ni Vice President Sara Duterte ang pagpapalit ng liderato sa Senado.
Sa talumpati ni SP Cayetano sa sesyon ng Senado nitong Lunes, Mayo 11, sinabi niyang hindi umano totoo ang mga lumalabas sa balita.
“Let me make it very clear, may mga lumabas sa news and hindi ko kayo sinisisi kung ang sinasabi 'yo sa news na ang mga pagpapalit ng leadership ay tungkol sa impeachment, hindi po,” saad ni Cayetano.
Dagdag pa niya, “The impeachment is enshrined in the Constitution. The Bible says, 'The truth shall set us free.' We want to be free from poverty. We want to be free from corruption. We want to be from a government that is busy fighting its own people.”
Ayon sa bagong SP, hindi umano digital world ang Senado na minu-minuto silang nagbabanatan.
“In real life, in non-digital life, we have to be here for each other,” dugtong pa niya.
Pinalitan ni Cayetano sa puwesto si dating Senate President Tito Sotto matapos ang matagumpay na kudeta sa Senado.
Nakakuha si Cayetano ng 13 boto na pabor sa kaniya mula sa mga kapuwa senador at 9 naman kay Sotto habang dalawa ang nag-abstain.
Maki-Balita: Cayetano sa mga kapuwa senador: 'Feel free to call me out!'