Walang pangiming inamin ni Kapamilya star Belle Mariano na itinuturing niyang soulmate ang katambal na si Donny Pangilinan.
Sa latest episode kasi ng “KC After Hours” kamakailan, nausisa sina Belle at Donny kung minsan na ba nilang naipagkamali bilang pag-ibig ang kanilang nararamdaman sa isa’t isa.
“I don’t think it was a mistake,” sagot ni Donny.
“Yeah,” sabi naman ni Belle habang natatawa, “napapaisip kami dito, a!”
“I think now, since before we were so young it was really hard for us to navigate things. But now that we’re much older and wiser, I believe, we’re able to set that boundary,” pagpapatuloy niya.
Dagdag pa ng aktres, “Pero siyempre, before I find what we have really genuine, Donny and I. What we really have is special up to this day on. I continuously say that, you know, he’s my soulmate, I would say.”
Sumang-ayon naman si Donny sa sinabing ito ni Belle.
Aniya, “I agree. You know, at the start, parang kapaan pa lang, e. Siyempre hindi naman namin kilala ‘yong isa’t isa, e.”
Matatandaang inanunsiyo nina Donny at Belle na pansamantala na muna nilang wawakasan ang kanilang loveteam.
Sa isang episode ng “Paano Ba ‘To” ni Bianca Gonzalez noong Abril, sinabi ni Donny na napagpasyahan daw nila ni Belle na ang upcoming film nilang “Tayo sa Wakas” ang magiging hudyat ng kanilang paghihiwalay bilang mag-on-screen partner.
Maki-Balita: DonBelle, maghihiwalay muna!