Inanunsiyo ng Kapamilya stars na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano na pansamantala muna nilang tutuldukan ang kanilang love team.
Sa latest episode ng podcast na “Paano Ba ‘TO?” ni Bianca Gonzalez noong Lunes, Abril 27, sinabi ni Donny na napagpasyahan daw nila ni Belle na ang upcoming film nilang “Tayo sa Wakas” ang magiging hudyat ng kanilang paghihiwalay bilang mag-on-screen partner.
“We’ve done so many projects throughout the years. Me and Belle decided that for this specific movie, it will be our last DonBelle project for now,” saad ni Donny.
Gayunman, tiniyak pa rin ng aktor na ibinuhos nila ang lahat ng kanilang energy para maging worth it sa mga manonood ang pelikula.
Samantala, aminado naman si Belle na natatakot siya sa bagong yugtong ito ng kaniyang karera.
Dagdag pa niya, “It’s scary, yes. But it’s exciting also. And now, knowing that, parang really so dedicated in doing this project really, really well.”
Matatandaang bagama’t mag-on-screen partner sina Donny at Belle, wala namang romantikong relasyong namamagitan sa dalawa.
Pero minsan na ring inintriga na hiwalay na umano sila kahit wala naman silang inaamin tungkol sa kanilang ugnayan.
MAKI-BALITA: Di pa nga umaamin: DonBelle, pinagsuspetsahang hiwalay na