Kinumpirma ng aktres na si Michelle Madrigal na ikakasal na ulit siya matapos niyang i-soft launch at ipasilip sa publiko ang mukha ng bago niyang jowa.

Sa Instagram story ni Michelle kamakailan, sinabi niya na ang pinakamagandang desisyon daw na ginawa niya ay piliing manahimik mula noong huli niyang nakarelasyon upang manatili itong pribado.

"Damn if you do, damn if you don't. No matter what you do, people will always have something to say. So, live your life and follow the path that God has given you," saad ni Michelle.

"I've kept my dating life very private since my last relationship, and choosing to stay quiet this time has been the best decision,” sulat niya.

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

Dagdag pa ng aktres: "But YES I am marrying the man God sent me during my waiting season."

Matatandaang naging malaking palaisipan para sa mga netizen ang relationship status ni Michelle matapos niyang ibahagi ang isang video sa kaniyang Instagram account noong Mayo.

Sa naturang video kasi ay matutunghayan ang pagkain ni Michelle sa isang restaurant kasama ang umano’y fiance niya.

MAKI-BALITA: Michelle Madrigal, engaged na?

Pero bago pa man ito, nagdiborsyo na si Michelle at ang kaniyang dating mister na si Troy Woolfolk noong 2022.

MAKI-BALITA: Michelle Madrigal proud sa sarili: ‘Divorced. Single. Mom of 1’