October 09, 2024

Home SHOWBIZ

Baby Giant, nape-pressure kay Dagul

Baby Giant, nape-pressure kay Dagul
Photo Courtesy: Baby Giant, Kapamilya Online World (FB)

Inamin ni “FPJ’s Batang Quiapo” star Renz Joshua Baña, a.k.a. “Baby Giant,” na nakakaramdam daw siya ng pressure bilang kapalit ng komedyanteng si Romy Pastrana o mas kilala bilang “Dagul” sa nalalapit na pagbabalik ng ‘Goin’ Bulilit.’

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News nitong Huwebes, Hunyo 27, sinabi ni Baby Giant na bagama’t masaya siya at thankful sa pagkakataong ibinigay sa kaniya, hindi raw maitatanggi ang nararamdaman niyang pressure.

"Na-pressure po talaga ako kasi first time ko talaga. First time ang mga nangyayari sa akin na ganito. Masaya. Kaya thankful ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon," saad ni Baby Giant.

Dagdag pa niya: “Nirerespeto po natin si Kuya Dagul kasi siya pa rin 'yong isa sa mga kilalang bumuo sa 'Goin Bulilit', pero maipapangako ko po na mabibigyan ko po ng mas masaya at nakakatuwang programa."

Tsika at Intriga

Jen Barangan, rumesbak sa sumitang netizen; tinawag na 'concert police'

Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang anak ni Dagul sa pamamagitan ng social media post kaugnay sa mga kumakalat na isyu kung bakit wala umano sa naturang sketch comedy TV series ang ama nito.

MAKI-BALITA: Tatay may sakit? Anak, pumalag sa isyu kung bakit wala si Dagul sa 'Goin' Bulilit'