Lumiham si Megastar Sharon Cuneta kay Naga City Mayor Leni Robredo para kumbinsihin na irekonsidera nito ang pasyang huwag kumandidato sa anomang pambansang posisyon sa 2028 elections.
Maki-Balita: Final na! Leni Robredo, ‘di tatakbo sa national position sa 2028
Sa latest Instagram post ni Sharon nitong Miyerkules, Abril 29, sinabi niyang si Leni umano ang may kakayahang pagkaisahin ang iba’t ibang partido.
“Dearest Ma’am Leni, PLEASE RECONSIDER… You are the one who can unite these different parties. You have proven na ipaglalaban niyo ang PILIPINAS,” saad ni Sharon.
Dagdag pa niya, “Please choose a great VP, ideally from where you will garner more support than ever before, and Kiko [Pangilinan] and I will go all-out for you po.”
Ayon sa Megastar, mas marami umanong umaasa kay Leni ngayon.
“Naghihintay lang po kaming lahat Ma’am, mga kakampink noon at mga naging kakampink na ngayon,” aniya.
Matatandaang minsan na ring nanawagan kay Leni ang ilang indibidwal, kabilang na si Sen. Kiko, para hikayatin siya na muling tumakbong pangulo sa 2028 elections.