May 05, 2026

Home BALITA Eleksyon

Final na! Leni Robredo, ‘di tatakbo sa national position sa 2028

Final na! Leni Robredo, ‘di tatakbo sa national position sa 2028
Photo Courtesy: Leni Robredo (FB)

Inanunsiyo na ni Naga City Mayor Leni Robredo na wala na siyang balak pang kumandidato anomang posisyong pambansa sa 2028 elections.

Sa panayam ng isang radio local station nitong Martes, Abril 21, sinabi ni Robredo na sigurado na raw na siya sa kaniyang dessiyong hindi tumakbo sa pambansang posisyon.

“Sigurado na ako sa sarili ko na hindi ako magna-national,” anang alkalde.

Ayon sa kaniya, mas posible umanong kumandidato ulit siyang mayor ng Naga para sa kaniyang ikalawang termino.

Matatandang sa panayam ni Kapamilya broadcast journalist at “TV Patrol” news anchor Bernadette Sembrano noong Sabado, Marso 28, sinabi ni Robredo na hindi raw niya muna pinapansin ang tila pangungulit ng marami na tumakbo siyang Pangulo.

Eleksyon

Sen. Imee, isinusulong pagpapaliban ng BSKE!

Minsan nang nanawagan kay Robredo ang ilang indibidwal kabilang na ang noo’y running mate niya sa pagka-Bise Presidente na si Sen. Kiko Pangilinan para muling tumakbong pangulo sa 2028 elections.

Maki-Balita: Mayor Leni, dedma muna sa panawagang 'come back'