"Sobrang nakakagalit na!"

Iyan ang reaksiyon ng anak ni Dagul o "Romy Pastrana" matapos kumalat ang mga espekulasyong kaya wala ang tatay sa pagbabalik ng children gag show na "Goin' Bulilit" ay dahil may sakit siya.

Si Dagul ay ang tumayong "bulilit adult" ng mga naunang batch bago ito tumigil sa pag-ere.

Nakikiusap si "Jkhriez Pastrana" na itigil na ang pagpapakalat ng fake news patungkol sa kalusugan ng kaniyang Papa dahil maayos daw ang kalagayan nito.

Tsika at Intriga

Baron Geisler, tinantanan na ang anak kay Nadia Montenegro

Photo courtesy: Jkhriez Pastrana (FB) via Fashion Pulis

Marami raw siyang napapanood at nakikitang contents sa social media na kesyo kaya wala si Dagul sa pagbabalik ng bagong batch ng GB ay dahil bedridden na ito at na-stroke, kaya ang papalit sa kaniya ay si Baby Giant.