Nagpahayag ng pakikiramay si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil sa pagpanaw ng beteranong mamamahayag na si Mike Enriquez nitong Martes, Agosto 29.

“Tayo ay nakikiramay sa pamilya at mga kaanak na naiwan ng ating kaibigan sa media na si Mike Enriquez,” ani Garafil.

“Si Mike ay isa sa mga mamamahayag na ating itinuturing na kasangga sa paghahatid ng tapat at walang kinikilingang balita.”

“Tunay na ang kanyang kontribusyon sa larangan ng pagbabalita ay hindi matatawaran,” saad pa niya.

Veteran journalist Mike Enriquez, pumanaw na

Matatandaang nitong Martes ng gabi nang kumpirmahin ni Mel Tiangco sa programang 24 Oras ang pagpanaw ni Enriquez.

MAKI-BALITA: Veteran journalist Mike Enriquez, pumanaw na

?fbclid=IwAR1zJs4S-iSpgEtFtWzAzSZSfdx5imJnlDg8mqki374I9We7a4GOEFGd92M