July 27, 2026

Home BALITA Metro

SP Win, kinondena namataang pampasabog malapit sa Senado

SP Win, kinondena namataang pampasabog malapit sa Senado
Photo courtesy: MB file photo

Kinondena ni Senate President Win Gatchalian ang umano’y pagbabanta sa seguridad ng Senado matapos marekober ang improvised explosive device sa isang center island sa Diokno Boulevard nitong Lunes, Hulyo 27, 2026.

Sa pahayag na inilabas na pahayag ni Gatchalian nito ring Lunes, nanindigan siyang wala raw makakapang-intimida sa pagtatrabaho ng Senado.

"We condemn in the strongest terms this apparent attempt to sow fear near the Senate on the very day our institutions gather for the State of the Nation Address," ani Gatchalian.

Dagdag pa niya, "No such act of intimidation will distract the Senate from its work for the Filipino people."

Nagbigay na rin daw si Gatchalian ng direktiba sa Office of the Sergeant-at-Arms na patuloy na makipagtulungan sa Philippine National Police (PNP).

Metro

DepEd Las Piñas, tiniyak ligtas mga paaralan sa kabila ng viral 'virtual threats'

"I have directed the Office of the Sergeant-at-Arms to coordinate fully with the Philippine National Police and its Explosive Ordinance Disposal Unit, which has already responded to the area," anang Senate President.

Matatandaang dalawang magkahiwalay na pampasabog ang kinumpirma ng mga awtoridad mula sa Senado habang ang isa naman ay napaulat na sumabog sa harapan ng tanggapan ng Department of Justice (DOJ) nitong madaling-araw ng Lunes.

KAUGNAY NA BALITA: Magkahiwalay na pampasabog, narekober sa Senado, DOJ; isa, sumabog!

Samantala, wala namang napaulat na nasaktan o naapektuhan mula sa pagsabog na nangyari malapit sa DOJ at mula sa narekober na bomba sa Senado.