July 27, 2026

Home BALITA Politics

‘Our democracy is in danger!’ Sen. Alan, binanatan PBBM admin

‘Our democracy is in danger!’ Sen. Alan, binanatan PBBM admin
Photo courtesy: Alan Peter Cayetano (FB screenshot), SONA (website)

Diretsahang binira ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nang banggitin niyang nanganganib na umano ang demokrasya sa Pilipinas ilang oras bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo ngayong Lunes, Hulyo 27. 

Sa pahayag ni Cayetano sa media, ibinahagi niyang hindi siya personal na dadalo sa SONA ni PBBM, at aniya pa, mas mainam daw itong panoorin na lamang sa telebisyon, bilang parte ng kaniyang protesta sa kasalukuyang administrasyon. 

MAKI-BALITA: Sen. Alan, hindi dadalo sa SONA ni PBBM

Binanggit din ng senador na bagama’t mas ramdam umano ang kakulangan ng demokrasya sa bansa sa mga nagdaang pamumuno, partikular noong 1986, hindi raw maipagkakailang nanganganib pa rin ang demokrasya sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. 

“Unlike in 1986, 1987, na ramdam talagang may question of democracy, ngayon, syempre it’s more of poverty, economy, at corruption, but I really believe that our democracy is in danger, and talagang [ka]pag nagsalita ka, target ka bigla,” ani Cayetano. 

Politics

Masusing pag-aaral, konsultasyon, panawagan ni Rep. Diokno sa Pax Silica

Dagdag pa ni Cayetano, marami nang nakasuhan at nakulong dahil sa umano’y panganganib ng demokrasya.

“Tignan n’yo lahat ng nakakasuhan at lahat ng nakukulong. Kapag tahimik ka at sumama ka [sa administrayon], parang if you can’t beat them, join them, happy ka pero malungkot ang bansa. Pero kapag tayuan mo ang prinsipyo mo, ikaw pa ang kakasuhan,” saad ni Cayetano. 

Kaya nang tanungin ng media kung naniniwala ba siyang mayroong “undeclared Martial Law” na umiiral ngayon sa bansa, binanggit ni Cayetano na tila nalalapit na ang bansa rito. 

“Kung hindi man, we’re nearing that. Kung vlogger ka na kakampi [ng administrasyon], wala namang cyber-libel, wala namang warrant kaagad. Kapag kalaban ka [ng administrasyon], nandiyan na kaagad [ang mga kaso],” diretsahang patutsada ni Cayetano.

“It’s dangerous times,” dagdag pa ng senador.