Hindi dapat mangamba ang publiko sa paglapag ng isang Osprey Helicopter sa Basco Airport, Batanes nitong Lunes ng hapon, sakay ang mga sundalong Amerikano.

Paglilinaw ng provincial government ng Batanes, nagtungo lamang ang mga nasabing sundalo sa lalawigan para sa mabilisang pag-eensayo ng "Parachute Diving" bilang bahagi ng Balikatan Exercises ngayong taon.

Ang Balikatan exercises ay isinasagawa sa pagitan ng mga sundalo ng Pilipinas at ng Estados Unidos kada taon.

"Nais naming bigyang linaw na ang mga ito ay walang anumang kaugnayan sa nangyayaring tensyon sa pagitan ng China at Taiwan," ayon sa pahayag ng Batanes government.

National

Ex-Pres. Duterte sa mga kriminal sa Davao City: ‘Find another place!’

"Huwag po tayong magpakalat ng anumang maling impormasyon na nagbibigay pangamba sa ating mga Kababayan," ayon pa sa pamahalaan ng Batanes.