Kinansela ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme o Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) sa Abril 5, Miyerkules Santo.

Mula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi, hindi huhulihin ang mga sasakyang saklaw ng number coding sa nasabing araw.

Katwiran ng ahensya, pinagbibigyan lamang nila ang mga uuwi sa probinsya ngayong Semana Santa.

Suspendido pa rin ang implementasyon ng naturang sistema mula Abril 6 (Huwebes Santo) hanggang Abril 10 (Araw ng Kagitingan).

Metro

Manugang na sinilaban ng buhay ang biyenan, patay na rin matapos lunukin handle ng toilet brush