July 30, 2026

Home BALITA Probinsya

In heat na kuliglig driver, arestado sa pangmomolestiya sa 13-anyos

In heat na kuliglig driver, arestado sa pangmomolestiya sa 13-anyos
Photo courtesy: Unsplash

Arestado ang isang kuliglig driver matapos umanong halayin ang isang 13-anyos na dalagita na inalok niyang ihatid pauwi sa Barangay Talon-Talon, Zamboanga City noong hapon ng Miyerkules, Hulyo 29, 2026.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, namamasada noon ang suspek nang makita  niya ang biktima at inalok na lamang niya na sa kaniya na sumakay at ihatid sa kanilang bahay.

Sa halip na dalhin ito sa kanilang tirahan, dinala umano niya ang biktima sa isang palaisdaan kung saan naganap ang umano'y pangmomolestiya.

Agad na nagsumbong ang biktima sa mga awtoridad matapos ang insidente, dahilan upang magsagawa ng operasyon ang pulisya na nauwi sa agarang pagkakaaresto ng suspek.

Matapos ang isinagawang inquest proceedings, nahaharap na ang suspek sa kaukulang kasong kriminal kaugnay ng umano'y pangmomolestiya sa isang menor de edad.

Probinsya

Embalsamador, inireklamo matapos mangamoy isang bangkay sa lamay!

Hindi isinapubliko ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at ng biktima alinsunod sa mga batas na nagpoprotekta sa pagkakakilanlan ng mga menor de edad na sangkot sa mga kasong may kinalaman sa seksuwal na pang-aabuso.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong pangyayari at makakalap ng karagdagang ebidensiya na makatutulong sa kaso.

Samantala, tiniyak ng mga awtoridad na patuloy na tinutulungan ang biktima sa pamamagitan ng pagbibigay ng proteksiyon, legal na asistensiya at psychosocial support habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at pagdinig sa kaso.

Kasunod ng insidente, muling nanawagan ang pulisya sa mga magulang at tagapag-alaga na paalalahanan ang kanilang mga anak na maging maingat sa pagtanggap ng sakay mula sa mga taong hindi nila lubos na kilala o pinagkakatiwalaan.

Hinimok din ng mga awtoridad ang publiko na agad iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang hinihinalang kaso ng pang-aabuso o pagsasamantala sa mga bata upang agad na maaksyunan at mapanagot ang mga responsable.