July 30, 2026

Home BALITA Probinsya

Embalsamador, inireklamo matapos mangamoy isang bangkay sa lamay!

Embalsamador, inireklamo matapos mangamoy isang bangkay sa lamay!
Photo courtesy: Contributed photo

Naghain ng reklamo ang pamilyang namatayan laban sa isang embalsamador,  matapos ang umano’y  hindi maayos na pagkakaembalsamo sa mga labi ng kanilang kaanak.

Sinasabing nagsimulang mangamoy at magbago ang itsura ng kanilang kaanak habang nakaburol pa lamang sa ikalawang gabi ng lamay sa Barangay Masipag, Puerto Princesa City.

Ayon sa asawa ng yumao na kinilalang si alyas “Melinda,” sa bayan ng El Nido isinagawa ang pag-embalsamo sa labi at nagbayad sila ng ₱3,500 para sa serbisyo.

Aniya, tiniyak umano ng embalsamador na ang inilagay na kemikal ay tatagal ng hanggang limang araw. Gayunman, hindi pa umano lumilipas ang ikalawang gabi ng burol nang mapansin ng pamilya ang hindi kanais-nais na amoy at pagbabago sa mukha ng yumao kahit nasa loob na ito ng kabaong.

Bunsod nito, ipinatingin umano nila ang mga labi sa isang embalmer sa Puerto Princesa City. 

Probinsya

In heat na kuliglig driver, arestado sa pangmomolestiya sa 13-anyos

Ayon sa naging pagsusuri, lumabas umanong walang bakas na naturukan o nalagyan ng formalin ang bangkay, bagay na mahalaga sa proseso ng embalming upang mapabagal ang pagkabulok ng bangkay.

Sa ilalim ng mga pamantayan sa embalming, karaniwang ginagamit ang formaldehyde-based embalming fluid o formalin upang mapreserba ang bangkay at mabawasan ang mabilis na decomposition, depende sa kondisyon ng labi at sa isinagawang proseso.

Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang naturang embalsamador habang isinusulat ang artikulong ito.