Kinondena na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang temporary restraining order (TRO) na inilabas ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) kaugnay sa implementasyon ng ₱85 dagdag sa arawang minimum wage para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).
Ang naturang TRO ay nag-ugat sa inihaing petisyon ng dalawang construction companies na Readycon Trading and Construction Corp. and R-II Builders Inc. kung saan pansamantalang pinasususpinde ang implementasyon ng umento sa sahod.
Matatandaang inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang umento sa sahod, na ibibigay ng dalawang hulog.
Inaprubahan na rin ito ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa National Capital Region.
Maki-Balita: DOLE, inanunsyo ₱85 minimum wage increase sa Metro Manila
"This is the height of corporate greed, desperation, and utter indifference to the daily suffering of Filipino workers. Kasuklam-suklam na baryahan na nga ang ipinagkaloob sa manggagawa, hulugan pa, at dinala pa sa kasuhan," saad ng TUCP sa isang pahayag nitong Huwebes, Hulyo 30, 2026.
"Ang unang ₱60 na dapat nasa bulsa na ng ating mga manggagawa ngayong buwan ay gusto pang bawiin sa pamamagitan ng korte, samantalang ang natitirang ₱25 ay pinaghihintay pa sila hanggang sa susunod na taon. Hindi dapat tumigil ang umento at mundo ng bawat manggagawa at ordinaryong Pilipino dahil ng dalawang employer na malinaw na walang pakialam sa kanilang empleyado,” dagdag pa nito.
Ayon sa TUCP, hindi lamang ang ₱85 umento sa minimum na sahod ang puntirya ng petisyon. Isa rin umano itong direktang pag-atake sa sistema ng pagtatakda ng minimum na sahod sa ilalim ng Republic Act No. 6727, pagtatangkang lusutan ang umiiral na batas, at tahasang pagbalewala sa tripartite process kung saan magkatuwang na pinagpapasyahan ng pamahalaan, mga employer, at mga manggagawa ang anumang umento sa minimum na sahod.
"This is not simply an objection to a wage order. This is an attempt to destroy the integrity of tripartism itself. Employers actively participated in every stage of the wage board proceedings. They were heard. They presented evidence. They voted. They lost. Now that they failed to convince the Wage Board, they seek to achieve in court what they could not obtain through the very legal process established by Congress. Hindi maaaring gawing second round ng wage board ang hukuman dahil lamang natalo ang isang panig sa botohan," paliwanag pa ng TUCP.
Giit pa nila, ang naturang umento sa sahod ay matagal na rin umanong hinihintay ng mga manggagawa.
"Workers have already waited far too long for this measly wage increase. It is grossly inadequate, it is staggered, and it falls far short of what families need to survive. Yet even this little relief is now being challenged in court. We will not allow the rights and dignity of Filipino workers to become casualties of corporate greed and legal maneuvering. The law, social justice, and basic decency are on the side of labor."