Pinag-aaralan na ng Zamboanga City government na ipagbawal ang pagsusuot ng helmet upang mapigilan ang mga insidente ng pamamaril sa lungsod.

Umapela rin si Mayor John Dalipe kay Department of the Interior and Local Government director Ginagene Vaño-Uy, na alamin kung mayroon nang local government unit (LGU) sa bansa na nagbabawal na magsuot ng helmet sa mga magkaangkas.

Idinahilan ni Dalipe ang ulat ng Zamboanga City Police Office (ZCPO) na karamihan ng naganap na pamamaril ay kagagawan ng mga riding in-tandem na pawang naka-helmet.

Sa rekord ng pulisya, nasa 11 na ang naitalang insidente ng pamamaril sa lungsod at ang huling biktima ay isang driver na binaril at napatay nitong nakaraang Miyerkules.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?