Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr,.ngayong Lunes ang SIM card registration bill na naglalayong mabigyang kaparusahan ang paggamit sa SIM at mabigyan din ng sapat na pangil ang mga otoridad sa pag-usig sa mga kriminal.
Sa nasabing panukalang batas, inaatasan nito ang lahat ng public telecommunications entities (PTE) o mga direct sellers na obligahin ang SIM card users na magharap ng government issued IDs
Tinitiyak din nito na mananatiling confidential ang lahat ng impormasyon sa nabanggit na card registration, maliban lamang kung may pahintulot ng mga subscriber.
Sa mungkahing batas, kukunin ng mga telecommunications company (telco) ang pangalan at tamang tirahan ng mga subscriber.
Kailangan din ang pormal na kahilingan ng mga otoridad upang makakuha ng mga impormasyon sa ilang telco company sakaling kailangan nila ang mga detalye.