Posibleng umabot sa 5,000 ang maitalang kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Metro Manila araw-araw simula Oktubre kung mababa pa rin ang bilang ng nagpapa-booster shots at nababakunahan na senior citizens.
Inilabas ng Department of Health (DOH) ang pahayag batay na rin sa bagong pagtaya nitong Setyembre 2.
“Mayroon tayong mga bagong projections I think that was September 2, this is from the NCR lang, at base dito kungmagtuloy-tuloy ang ating slow booster uptake at saka 'yung ating pagbabakuna sa mga nakatatanda at wala naman bagong variant na lalabas and the mobility remains at this level, we might be seeing around 1,259 to 5,375 cases per day. This may start in the start of October and pwede itong magtuloy-tuloy,” banggit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa isinagawang pulong balitaan nitong Biyernes.
Aniya, batay lang itosa scientific assumptions at maaaring magbago depende na rin sa booster uptake at pagsunod ng publiko sa minimum health protocols.
Kaugnay nito, nilinaw ni Vergeire na nananatili pa rin sa "low risk" anghealthcare utilization rate sa bansa.
"Our healthcare utilization right now is still at low risk, less than 30% both for the ward utilization and ICU utilization. Kaya lang may nakikita tayong medyo pagtaas sa BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) area para sa ICU utilization. Noong tinignan natin dahil mayroon silang 11 na severe at critical na naka-admit sa kanilang hospitals,” pagbibigay-diin ng opisyal.
Sa datos ng DOH, umabot na sa 72.2 milyon ang bakunado sa bansa hanggang nitong Setyembre 8.