August 04, 2026

Home FEATURES Trending

Junior PCG Officer, pinarangalan sa pagligtas sa isang 7-anyos na bata

Junior PCG Officer, pinarangalan sa pagligtas sa isang 7-anyos na bata
Photo courtesy: Coast Guard District Western Visayas (FB)

Binigyang parangal ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Junior Coast Guard Officer dahil sa pagligtas ng buhay ng isang 7 taong gulang na batang lalaki mula sa Mohon, Arevalo, Iloilo City. 

Batay sa pahayag ng Coast Guard District Western Visayas noong Lunes, Agosto 3 bigla na lang nahirapang huminga ang bata kaya dali-daling humingi ng saklolo ang pamilya nito kay Ensign Rhona Marietesa P. Oliveras noong nakaraang Hulyo 24. 

Saad pa sa naturang pahayag, pagdating ni Olivares sa bahay ng pamilya, wala nang malay ang bata at hindi na humihinga kaya walang pag-aalinlangan siyang isinagawa ang cardiopulmonary resuscitation (CPR) sa bata para masagip ang buhay nito. 

Nang muling mabawi ang hinga ng bata, sinugod na nila ito sa ospital. 

Sa kasalukuyan, stable na ang kondisyon nito. 

Trending

Nursing student, clinical instructor, kinilala sa pagresponde sa sugatang siklista

Dahil sa kabayanihang ito, iginawad ng Coast Guard District Western Visayas kay Olivares ang Coast Guard Outstanding Achievement Medal and Ribbon. 

“Her selfless action exemplifies the highest ideals of the Philippine Coast Guard—service above self, unwavering commitment, and readiness to respond when every second counts,” pagkilala ng Coast Guard District Western Visayas.