Nagkomento si House prosecutor Joel Chua kaugnay sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema sa pagbabasura nila sa mga petisyong kumukuwestiyon sa naging mga pagdinig ng Kamara sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa naging desisyon ng Korte Suprema nitong Miyerkules, Agosto 5, 2026, sinabi nilang naging “moot” o hindi na raw na kinakailangang resolusyon ang mga naturang petisyon dahil naaprubahan at naipasa na raw sa Senado ang Articles of Impeachment.
Anila, isinaad daw sa mga petisyon nina Torreon, mga kasamahan niya, at ni VP Sara na an lumampas umano sa constitutional authority ang Kamara sa pagkakasa umano nito noon ng mga pagdinig na may kaugnay sa impeachment complaints.
KAUGNAY NA BALITA: SC, ibinasura petisyon nina Atty. Torreon, VP Sara vs Kamara!
Sa naging pahayag ni Chua sa isinagawang press conference ng House prosecution panel nitong Miyerkules, sinabi niyang makakahinga na raw sila dahil wala nang magiging sagabal sa paggulong ng Senate impeachment trial.
“Makakahinga na tayo na magtutuloy-tuloy na ito at wala nang magiging sagabal dito sa impeachment na ginagawa ngayon dito sa Senado,” pagsisimula niya.
Ani Chua, hindi na rin daw sila kakabahan na biglang ipatigil ang impeachment trial dahil daw sa mga basehang naging “unconstitutional” ang clarificatory hearing ng Kamara, partikular sa House Committee on Justice, sa impeachment case laban kay VP Sara noon.
“At least, hindi na tayo kakaba-kaba na baka mamaya, bukas-makalawa, patitigilin tayo. Dahil sasabihin nila ay may Supreme Court decision at sinasabing unconstitutional,” aniya.
“Pero ngayon, wala nang ganiyan, so wala nang dahilan para pagdudahan pa natin itong nangyayari ngayon na impeachment hearing at tuloy-tuloy na ‘yong presentation ng prosecution,” pagtatapos pa niya.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon sina VP Sara at defense panel kaugnay rito.
KAUGNAY NA BALITA: Atty. Poa nag-sorry sa paglalabas ng confidential funds ni ex-VP Binay: 'Para patas lang!'
KAUGNAY NA BALITA: Impeachment, tuloy pa rin kahit mag-resign, magbalik ng pera si VP Sara—Atty. Kapunan