August 04, 2026

Home FEATURES Human-Interest

KILALANIN: Mga gumanap na ‘gagamba’ sa pelikula

KILALANIN: Mga gumanap na ‘gagamba’ sa pelikula
Photo courtesy: via People, via IMBd


Noon lamang Biyernes, Hulyo 31, pormal na at eksklusibong inilabas sa movie theaters ang “Spider-Man Brand New Day,” sa direksyon ni Destin Daniel Cretton.

Sa naturang pelikula, muling mapapanood si Tom Holland bilang Spider-Man, kasama ang ilan pang mga aktor at aktres na sina Zendaya, Sadie Sink, Jacob Batalon, Jon Bernthal, Tramell Tillman, Michael Mando, at Mark Ruffalo.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Spider-Man ay isang tao, na nagngangalang Peter Parker, na nagkaroon ng superhuman abilities matapos makagat ng isang radioactive spider.

Kung kaya’t malaking bahagi ng karakter nito ay nagpapakita ng ilang “spider-like abilities” gaya ng pagkakaroon ng sapot.

Maliban pa rito, maraming kabataan ang talaga namang nahumaling sa karakter ni Spider-Man, sapagkat isa sa mga adhikain nito ay labanan ang mga krimen sa kanilang siyudad.

Human-Interest

#BalitaExclusives: Hinagpis ng bagong panganak na first-time mom dahil sa hospital bill, kinaantigan

Pero sino-sino nga ba ang ilan sa mga aktor na gumanap bilang mga gagamba sa kani-kanilang mga pelikula?

VHONG NAVARRO (GAGAMBOY)

Si Vhong Navarro ay gumanap sa pelikulang Gagamboy noong 2004, sa ngalang Junie Gagamboy.

Nagkaroon ng superpowers si Junie matapos makalunok ng gagambang na-expose sa isang chemical spill.

Kalaban ni Junie si Dodoy Ipisman, na ginanapan naman ni Jay Manalo.

Naging mutated monster ito matapos namang aksidenteng makakain ng ipis ma may parehong radioactive element.

TOBEY MAGUIRE (SPIDER-MAN 2002, 2004, 2007)

Ang unang gumanap bilang Spider-Man ay ang aktor na si Tobey Maguire, mula sa trilogy ni Sam Raimi noong 2002 hanggang 2007.

ANDREW GARFIELD (AMAZING SPIDER-MAN)

Ginanapan naman ni Andrew Garfield ang dalawang Amazing Spider-Man movies ni Mark Webb noong 2012 at 2014.

TOM HOLLAND (SPIDER-MAN BRAND NEW DAY)

Matapos ang mahuhusay na pagganap nina Maguire at Garfield, ipinasa kay Tom Holland ang pagganap sa isa sa mga pinakapaboritong superhero ng marami.

Sinimulan niyang ganapan ang Spider-Man noong 2016, hanggang sa ang pinaka-kasalukuyang Spider-Man Brand New Day ngayong 2026.