August 04, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Anong uri ng gagamba ang kumagat kay Peter Parker?

ALAMIN: Anong uri ng gagamba ang kumagat kay Peter Parker?
Photo Courtesy: Screenshots from Cut Scenes, Sony Pictures Entertainment (YT)

Muling pinatunayan ni Spider-Man ang lakas ng impluwensiya niya bilang isang superhero character. 

Ayon sa ulat ng CNN noong Lunes, Agosto 3, umabot na sa $927 milyon ang kinikita ng "Spider-Man: Brand New Day" sa buong mundo, dahilan para maitala ito bilang "second-biggest opening ever."

Sa Pilipinas pa lang, kumita na agad ito ng ₱586.9 milyon sa loob lang ng limang araw simula nang i-release noong Hulyo 29. 

Kaya naman hindi nakapagtataka kung ito pa rin ang laman ng mga usapan mula sa social media man o huntahan sa kanto.

Pero sa dami na rin ng pagbabago sa buhay ni Peter Parker a.k.a Spider-Man—mula sa matagumpay na “Spider-Man” ni Sam Raimi noong 2002 hanggang sa maging bahagi na siya ng Marvel Cinematic Universe (MCU) noong 2016 sa “Captain America: Civil War,” matapos ang The Amazing Spider-Man franchise ni Marc Webb—anong uri nga ba ng gagamba ang kumagat sa kaniya na naging dahilan para magkaroon siya ng kapangyarihan?

Human-Interest

#BalitaExclusives: Amang sinipat notes ng anak na engineering student, kinaantigan!

Sa comics, sinasabing radioactive spider ang kumagat kay Peter habang siya ay nasa isang public science exhibition. Hindi na tinukoy pa ng creator ni Spider-Man na sina Stan Lee at Steve Ditko ang partikular na species ng gagamba upang hindi umano malimitahan ang kuwento.

Samantala, ang gagamba naman sa film version ni Raimi ay isa nang genetically altered super-spider bred. Gayundin sa The Amazing Spider-Man ni Webb. 

Ngunit ang pinagkinaiba nito sa naunang Spider-Man, taglay ng gagamba sa film version ni Webb —na kung tawagin ay Araneus Oscorpeus—ang DNA ni Richard Parker, ama ni Peter. 

Nang magkaroon naman ng bagong version ulit ng Spider-Man noong 2016 played by Tom Holland, hindi na ipinakita pa sa “Spider-Man: Homecoming” kung paano nakuha ni Peter ang kaniyang kapangyarihan.

Ito ay dahil batid na umano ng marami ang kaniyang origin story mula sa mga naunang filmversion. 

“It was just so nice to skip past it and just deal with more with the repercussions… and just explore it from the perspective of someone else finding out about it and having a lot of questions,” saad ng director na si Jon Watts sa librong “With Great Power: How Spider-Man Conquered Hollywood during the Golden Age of Comic Book Blockbusters.”

Ngunit sa pag-uusap nina Peter at Neds sa "Spider-Man: Homecoming," kinumpirma ni Peter na kinagat din naman siya ng gagamba bagama’t hindi na ito tinukoy pa.