August 05, 2026

Home BALITA National

Higit 5M food packs, nakahanda para sa posibleng epekto ni 'Maymay'—DSWD

Higit 5M food packs, nakahanda para sa posibleng epekto ni 'Maymay'—DSWD
Photo courtesy: DSWD


Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules, Agosto 5, na handa na ang kanilang ahensya kaugnay sa posibleng epekto ng pananalasa ng Tropical Storm (TS) Maymay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa DSWD, aabot sa 5,012,351 prepositioned family food packs (FFPs) ang naka-standby sa mga warehouse ng DSWD sa buong Pilipinas; gayundin ang 349,941 ready-to-eat food (RTEF) boxes at 257,875 non-food items (NFIs) bilang tulong para sa mga maaapektuhang pamilya ng nasabing kalamidad.

Anang ahensya, patuloy din ang kanilang pagbabantay sa lagay ng panahon; kasama na rin ang pakikipag-ugnayan nila sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mabilis na maihatid ang tulong sa mga pamilyang mangangailangan—batay na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Batay sa tropical cyclone bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) as of 11:00 ng umaga ngayong araw, patuloy ang pagdadala ng TS Maymay ng mga pag-ulan sa iba’t ibang parte ng bansa, kasabay ang pagpapalakas nito sa southwest monsoon o habagat.

MAKI-BALITA: 'Maymay,' inaasahang magla-landfall; wind signals, nakataas na rin!-Balita