August 05, 2026

Home BALITA

'Maymay,' inaasahang magla-landfall; wind signals, nakataas na rin!

'Maymay,' inaasahang magla-landfall; wind signals, nakataas na rin!
PAGASA

Patuloy na nagdadala ng mga pag-ulan ang Tropical Storm Maymay, habang pinalalakas din nito ang southwest monsoon o habagat ngayong Miyerkules, Agosto 5, 2026. 

Sa latest tropical cyclone bulletin ng PAGASA as of 11:00 a.m., huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 185 kilometers West Northwest ng Bacnotan, La Union.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong 80 kilometers per hour. May kabagalan ang pagkilos nito sa bilis na 10 kilometers per hour.

Bunsod nito, itinaas na rin ng PAGASA ang tropical cyclone wind signal no. 2 at 1 sa ilang lugar sa Northern Luzon.

WIND SIGNAL NO. 2
Ilocos Sur
Northern at central portion ng La Union
Northwestern portion ng Pangasinan
Southwestern portion ng Abra
Western portion ng Mountain Province
Northwestern portion ng Benguet

Probinsya

Angat Dam water level umangat, unti-unting nakakarekober—PAGASA

WIND SIGNAL NO. 1
Ilocos Norte
Nalalabing bahagi ng La Union
Nalalabing bahagi ng Pangasinan
Apayao 
Nalalabing bahagi ng Abra
Kalinga
Nalalabing bahagi ng Mountain Province
Ifugao
Benguet
Mainland Cagayan
Isabela 
Quirino
Nueva Vizcaya
Northern portion ng Zambales
Northern portion ng Tarlac
Northern portion ng Nueva Ecija
Northern at central portion ng Aurora

Inaasahan namang magla-landfall ang bagyong Maymay sa Ilocos Sur o sa La Union mamayang gabi o bukas ng madaling araw, Agosto 6. 

Pagkatapos mag-landfall, tatawirin nito ang landmass ng Northern at Central Luzon, at hihina bilang tropical depression.

Kaugnay na Balita: #WalangPasok: Class suspensions para sa Miyerkules, Agosto 5

Kaugnay na Balita: #WalangPasok: Ilang LGU, nagsuspinde na ng afternoon classes