Masayang ibinahagi ng dating Kapamilya child star na si Nash Aguas ang pagsabak kaagad sa trabaho hindi bilang artista, kundi bilang bagong halal na konsehal ng Cavite City.

Makikita ang mga litrato ni Nash na nasa tanggapan na siya at nakalagay sa isang table signage ang "Hon. Aeign Zackrey V. Aguas" bilang city councilor.

"First session. Simula na ang trabaho. Our journey back to being a first class city starts today,” pahayag ni Nash sa kaniyang Instagram post.

Noong Hunyo 7 ay ibinahagi na rin ni Nash ang kanilang pagsalang sa trabaho sa pangunguna ni Mayor Denver Chua.

Tsika at Intriga

'Nothing left for me to do but dance!' Latest post ni Daniel Padilla, umani ng reaksiyon

"Kami po ay nakipagpulong sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) na nangunguna sa pagbuo ng Corregidor Tourism Master Plan para sa partisipasyon po ng aming lungsod sa redevelopment ng Corregidor Island na lingid po sa kaalaman ng nakararami, ay parte po ng Cavite City," ani Nash.

"This is the first time that our LGU has taken action towards the development of the historic island, Corregidor. Nakakatuwa na vision lang namin ito ni Mayor Elect Denver last year and now, we're officially taking the first step," dagdag pa ng dating child actor.

Kamakailan lamang ay muli siyang napanood sa "FPJ"s Ang Probinsyano" bilang batang Cardo Dalisay. Una siyang naging bahagi ng programa noong 2015, kung saan nagsimulang umere ito.

"7 years ago, I was fortunate enough to play Cardo/Ador and be part of a project that would later cement its legacy as one of the most loved teleseryes in the PH," pahayag ni Nash sa kaniyang Instagram post noong Hunyo 25.

“7 years later, though a lot has changed, the passion and heart of this show stayed the same.”

Labis na tuwa rin ang naramdaman ni Nash nang makaeksena ang nagbabalik sa pag-arteng si dating ABS-CBN President at CEO Charo Santos-Concio.

Isang karangalan daw na maiderehe nina Coco at ngayon ay direktor na si John Prats.