Ibinahagi ni Angel Locsin nitong Mayo 3 ang kaniyang pag-house to house campaign sa Cebu para sa kandidatura ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo, at dito ay itinampok niya ang mga boatmen na Kakampink.

"Kasamang tumitindig nila kuya boatmen dito sa Cebu! Yes, h2h version 2.0 i2i (island to island)," sey ni Angel sa kaniyang caption kalakip ang ilang mga litrato ng mga boatmen.

Sa comment section, makikitang nagkomento ang kaibigan niyang si Queen of All Media Kris Aquino. Hindi natuloy ang nakatakda niyang flight pa-Amerika at mukhang nauna na roon ang kaniyang mga anak na sina Kuya Josh at Bimby, dahil tumaas daw ang blood pressure niya at hindi siya pinayagan ng kaniyang doktor para makalipad.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/04/kris-aquino-hindi-natuloy-ang-flight-pa-amerika-may-wish-kay-angel-locsin/">https://balita.net.ph/2022/05/04/kris-aquino-hindi-natuloy-ang-flight-pa-amerika-may-wish-kay-angel-locsin/

Tsika at Intriga

Luis, isa sa pinaka-qualified na artistang tumakbo, tumatakbo sey ni Jessy

Matatandaang sinabi ni Kris na kinakailangan na niyang magtungo sa Amerika upang doon magpagamot.

"Gel, ikaw kasi, last night sinabi mo na “sana hindi ka pa makatuloy, Ate…” I said, “Gel please don’t be mean, you know kailangan na talaga” then you said : “sorry Ate, selfish ako, di pa ko ready mag let go.”

"Grabe your gift of I don’t know if premonition or pang-awat, true enough nasa airport na si kuya josh, bimb, and Rochelle. My doctors didn’t clear me to travel 140/92 waking BP, 136/93 pa rin until now… hindi ko kakayanin yung long haul flight," ani Tetay.

Kaya wish niya kay Angel, sana man lamang ay magkita sila bago siya tuluyang lumipad ng Amerika. Narebook na ang flight niya sa Mayo 5.

"Nag-asthma attack last night, more than 6 weeks of chronic sinusitis, na lang sobra sobra ang pagkabilib at pag love ko sa 'yo. But please makakadalaw ka naman di ba?"

Nangako naman si Gel na agad na dadalawin si Kris matapos ang h2h campaign.

"@krisaquino omg ate sorry! Nandito pa ako sa Cebu ate! Visit kita agad."

Pinasalamatan naman ni Kris ang Diyos dahil nagkaroon siya ng kaibigang kagaya ni Angel, na parang 'younger sister she never had'.

"THANK GOD and praise our Creator my sons and I love you and as I have said I could NEVER ask more from a friend, the younger sister I never had, but now I treasure because you inspire me to better and you've taught me that quietly helping feels wonderful because it creates a very special BOND."

"Please naman Gel, naka-rebook na for May 5- I badly need to go to Houston already," sey pa ni Kris.

Screengrab mula sa IG/Angel Locsin

Wala pang update kung makakabalik ba kaagad si Angel at makakapagkita pa sila ni Kris bago ito lumipad pa-Amerika.

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Kris at Angel dahil pareho silang aktibo sa pagpapaabot ng tulong sa tuwing nagkakaroon ng sakuna o kalamidad.

Huling nagkasama sina Kris at Angel na nakita mismo ng publiko ay sa naganap na Tarlac sortie ng Leni-Kiko tandem, na ikinagulat ng lahat.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/kris-bumulaga-sa-tarlac-nanawagang-wag-iboto-ang-ex-di-raw-marunong-tumupad-sa-pangako/">https://balita.net.ph/2022/03/24/kris-bumulaga-sa-tarlac-nanawagang-wag-iboto-ang-ex-di-raw-marunong-tumupad-sa-pangako/

Kahit hindi raw pinayagan ng mga doktor ay nagpumilit si Kris dahil ang Tarlac ang hometown ng kanilang pamilya.