Hindi nagpadaig ang actor-singer na si Khalil Ramos kay Oscar-winning actress Anne Hathaway sa dagsang projects ngayong 2026.
Sa latest Facebook post kasi ni Khalil nitong Miyerkules, Agosto 19, ibinahagi niya ang screenshot ng kaniyang Instagram account kung saan nakalagay sa bio niya ang mga pelikula at seryeng gaganapan niya ngayong taon.
Kabilang dito ang “Saving Cherry” sa Setyembre 2; “Honor Thy Mother” sa Setyembre 11; at “Patay Gutom” na kalahok sa Puregold CinePanalo Film Festival mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 4.
“O, sorry Anne Hathaway,” saad ni Khalil.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"The reference is referencing"
"PANALO SIS HAHAAHHAH"
"Napaisip pa ako, naalala ko nga pla this year ang dami din premiere showing ni Anne Hathaway, ahahahaha"
"Supporttt"
"Peak ng career"
"havey BWHWHHWWHAHAHAHA"
"Daming ganap ni Khali"
"Hahahaha go Bibi"
"Anne Who? Hahahahha kavoguech"
Kung bibisitahin ang Instagram account ng Oscar-winning actress, makikita rin sa bio nito ang listahan ng mga proyekto ngayong 2026.
Kasama rito ang "Mother Mary," "The Devil Wears Prada 2," "The Odyssey," "End of Oak Street," at "Verity."