August 19, 2026

Home BALITA National

Malacañang, ipinag-utos alternative work arrangement, learning mode para sa Huwebes, Agosto 20

Malacañang, ipinag-utos alternative work arrangement, learning mode para sa Huwebes, Agosto 20
Photo courtesy: MB

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 131 na inilabas ng Malacañang, inaatasan ang mga tanggapan ng gobyerno na magpatupad ng naaangkop na alternative work arrangements sa sumusunod na mga lugar para sa Huwebes, Agosto 20, 2026:

National Capital Region (NCR)

Abra

Benguet

Ilocos Norte

National

Philippine Air Force, nagsalita sa umano'y iregularidad sa 'reserve promotions and decorations'

Ilocos Sur

La Union

Pangasinan

Bataan

Bulacan

Nueva Ecija

Pampanga

Tarlac

Zambales

Batangas

Cavite

Laguna

Rizal

Occidental Mindoro

Maliban kung may ibang direktiba mula sa kani-kanilang Local Chief Executives, ipatutupad din sa mga nabanggit na lugar ang alternative learning modes para sa mga klase at iba pang learning continuity measures sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan.

Magpapatuloy naman ang operasyon ng mga ahensyang responsable sa paghahatid ng basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo upang matiyak ang patuloy na pagbibigay ng kinakailangang serbisyo sa publiko.

Ang mga Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers na sakop ng alternative work arrangements ay patuloy na tatanggap ng kaukulang sahod o suweldo, alinsunod sa mga umiiral na tuntunin at regulasyon.

Samantala, ang pagsuspinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements sa pribadong sektor ay mananatiling nasa pagpapasya ng management nito.

Pinirmahan ang memorandum ni Executive Secretary Ralph Recto.

Photo courtesy: Presidential Communications Office/FB