WASHINGTON, United States -- Namatay ang unang taong tumanggap ng heart transplant mula sa genetically modified na baboy dalawang buwan pagkatapos ng medical milestone, ayon sa ospital na nagsagawa ng operasyon nitong Miyerkules. 

Ang naturang transplant ay nagbigay ng pag-asa na ang pagsulong sa cross-species organ donation ay makatutulong upang malutas ang talamak na kakulangan ng mga human organs na ginagamit para sa operasyon, at ang grupo sa likod ng operasyon ay nagsasabing "optimistic" sila tungkol sa future success nito.

Si David Bennett, 57, ay tumanggap ng kanyang transplant noong Enero 7 at namatay noong Marso 8, ayon sa pahayag ng University of Maryland Medical System.

“There was no obvious cause identified at the time of his death,” ayon sa hospital spokesman sa AFP, idinagdag na ang mga manggagamot ay nagsasagawa ng isang pagsusuri na ilalathala sa isang scientific journal.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Sa isang video statement, sinabi ni Muhammad Mohiuddin, direktor ng cardiac xenotransplantation program ng unibersidad, na nagkaroon ng "infectious episodes" si Bennett.

“We were having difficulty maintaining a balance between his immunosuppression and controlling his infection,” aniya.

Ang kondisyon ni Bennett ay nagsimulang lumala ilang araw na ang nakalipas. Matapos maging malinaw na hindi na siya gagaling, binigyan siya ng compassionate palliative care. Nagawa rin niyang makipag-usap sa kanyang pamilya sa kanyang mga huling oras, ayon sa pahayag ng ospital.

kasunod ng operasyon, ang inilipat na puso ay nag-perform nang mahusay sa loob ng ilang linggo nang walang anumang senyales ng rejection, ayon pa sa ospital.

“He proved to be a brave and noble patient who fought all the way to the end. We extend our sincerest condolences to his family,” ani Bartley Griffith na nanguna sa procedure.

Agence-France-Presse