July 26, 2026

Home BALITA National

Sen Alan, tinalakang 'ang ingay, dakdak nang dakdak' sa FB live niya

Sen Alan, tinalakang 'ang ingay, dakdak nang dakdak' sa FB live niya
Photo courtesy: Screenshot from Alan Peter Cayetano (FB)

Tila winelcome lamang ni Sen. Alan Peter Cayetano ang isang netizen na nagsabing "ang ingay" at "dakdak siya nang dakdak" sa isinagawang Facebook Live nitong Linggo, Hulyo 26.

Nakangiting binasa ng senador ang komento sa kaniya ng nabanggit na basher na tila hindi nagustuhan ang kaniyang mga sinasabi sa live.

"Ang ingay! Maingay diyan, maingay dito... dakdak ka nang dakdak... so guys, community itong Facebook natin, everyone's welcome, if you don't like what we are talking about, you can tune-out, unless, may kontrata or you are paid to watch and comment, but otherwise, but kung yung comment n'yo kahit negative basta't constructive, bakit po hindi, kasi wala namang perpekto 'di ba?" saad na lang ni Cayetano.

Paliwanag pa ni Cayetano, hindi raw siya nagpapatay ng comment section dahil sa tingin niya, mahalaga ang feedback.

Matatandaang nagsasagawa ng Facebook Live ang senador para magbigay ng pahayag, reaksiyon, komento, o saloobin sa ilang mahahalagang isyu sa bansa.

National

Mayor Leni, ibinidang 'recipient' ang Naga sa mga nagawa ng PBBM admin