Kinumpirma ni dating 'Pinoy Big Brother: Otso' housemate Diana Mackey na sasabak siya sa prestihiyosong 'Binibining Pilipinas pageant ngayong 2022.

Ayon sa kanya, siya na mismo ang nakipag-ugnayan sa training camp na 'Kagandang Flores' upang ipabatid sa kanila na nais niyang sumali sa naturang pageant, upang masungkit ang ang korona ng Binibining Pilipinas – International.

Si Diana ay 24 anyos at tubong Cabanatuan. Nagtapos siya ng kursong Tourism sa Treston University noong 2021. Siya ay binansagang 'Adventurous Anak ng Taguig City' sa PBB noong 2019.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Diana Mackey Biography, PBB Latest - PeoPlaid Profile, Photos
Diana Mackey (Larawan mula sa FB)

Matapos maging housemate, itinampok din si Diana sa teleseryeng 'FPJ’s: Ang Probinsyano'. Taong 2015, lumahok naman si Diana sa 'Miss Earth Philippines' kung saan pinalad siyang maging isa sa mga finalist.

Dahil hindi naman maitatangging nangingibabaw ang kaniyang byuti, matagal nang usap-usapan sa pageant world ang pagsali ni Diana sa mga bigating beauty pageant sa bansa. Tumindi pa ang mga haka-haka nang mag-post si Diana sa kaniyang Instagram account ng isang larawan na tila beauty shot para sa isang beauty pageant.

Kapansin-pansin din sa social media na palaging kasama ni Diana ang kasalukuyang Miss Grand Philippines na si Samantha Panlilio, at matalik na kaibigan pa niya ang dating Miss Universe Philippines 2019 na si Gazini Ganados.

Screengrab mula sa IG

Sa pagsali umano ni Diana sa Binibining Pilipinas, isa sa kaniyang magiging adbokasiya ay ang pagsulong sa proteksyon ng kababaihan at kabataan laban sa karahasan, bagay na personal niyang naranasan noong bata pa siya.

Ikinatuwa naman ng pageant fans, beauty queens, at mga kasama nito sa industriya ang balak na ito ni Diana.

Samantala, wala pang pinal na petsa kung kailan magaganap ang Binibining Pilipinas pageant ngunit siguradong magiging kaabang-abang na naman ito.

Lance Romae M. Advincula