August 28, 2026

Home BALITA Politics

Mga testigo ng Ombudsman laban kay Rep. Romualdez, umabot na sa 42!

Mga testigo ng Ombudsman laban kay Rep. Romualdez, umabot na sa 42!
MB FILE PHOTO

Mayroon nang kabuuang 42 testigo ang Office of the Ombudsman sa mga reklamong plunder, graft, bribery at money laundering na may kaugnayan sa kontrobersiya sa flood control projects laban kay Leyte Rep. Martin Romualdez, ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano nitong Biyernes, Agosto 28, 2026.

Sinabi ni Clavano na bukod sa 28 bagong testigo na hawak ng mga imbestigador, itinuturing pa rin ng anti-graft body na mga testigo ang 14 sa 18 natitirang “maleta boys” na nagsasabing dati silang mga bodyguard ni nagbitiw na Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Ayon sa Ombudsman, bahagi umano ng nasabing halaga ay inihatid gamit ang mga maleta.

Apat sa 18 “maleta boys” ang bumawi na sa kanilang mga naunang pahayag na nagsasabing naghatid sila ng pera gamit ang mga maleta sa tahanan ni Romualdez.

Samantala, sinabi ng abogado ni Romualdez na si Ade Fajardo na umabot na sa 32 testigo, na pawang dating tauhan ni Co, ang umatras sa kanilang mga akusasyon laban sa dating House speaker.

Politics

Tito Sen, di pabor papasukin si Lala sa politika

Tinanong si Clavano sa isang press conference kung may overlap sa 32 testigong binanggit ni Fajardo at sa 28 bagong testigo ng Ombudsman.

“28 are the new witnesses that the investigators deemed necessary so that the investigators could controvert the recantations. So that’s 28 new ones plus the 14 that are remaining from the 18. So that’s 42,” ani Clavano.

Saad pa niya, “What we want to clarify here is the quality of what people are saying. If the investigators can prove that indeed a lot of irregularities attended the recantation, then the quality of the first affidavit must be upheld.”

Ang pahayag ni Clavano ay tumutukoy sa naunang affidavit ng mga testigong bumawi sa kanilang mga alegasyon.

Sinabi rin ni Clavano na may impormasyon ang Ombudsman na binayaran umano ang ilang testigo upang bawiin ang kanilang mga pahayag.

Patuloy ang imbestigasyon ng Ombudsman sa mga alegasyon na may kaugnayan sa flood control projects.