Nakipag-isang-dibdib na ang ikalawa sa tatlong anak ni Naga City Mayor Leni Robredo na si Tricia Robredo sa partner nitong si Stephen.
Ginanap ang intimate city hall elopement ng dalawa sa Boston, Massachusetts.
Sa isang Instagram post ni Dominique Holliday noong Miyerkules, Agosto 26, makikita ang serye ng mga larawan ng engagement at kasal nina Tricia at Stephen.
“Tricia + Stephen forverrrrr documented entirely on film and scanned in-house with lots of love,” saad sa caption ni Dominique.
Ayon kay Dominique, bagama't hindi siya magiging photographer ng newly-wed couple sa malaking kasal ng mga ito sa Pilipinas, maswerte pa rin daw siyang nadokumento niya sa mga litrato ang kabanatang ito sa buhay nina Tricia at Stephen sa Boston.
Matatandaang sa isang Instagram post noong Nobyembre 2025, kinumpirma ni Tricia na isang taon na siyang engaged.
Ayon sa kaniya, nag-propose si Stephen sa kaniya sa Cambridge, Massachusetts noong Nobyembre 2024.