Ang Embahada ng Pilipinas sa Amman sa pangunguna ni Philippine Ambassador to Jordan Akmad Atlah Sakkam ay pinapaalalahanan ang Association of Jordanian Recruitment Agencies (AJRA) upang siguraduhin na ang mga mekanismo ay nakalatag para protektahan at isulong ang mga karapatan ng mga Pilipinong manggagawa sa ginanap na 1st Quarter Dialogue with the Association ng Embassy noong Pebrero 2 sa Bristol Hotel, Amman, Hashemite Kingdom of Jordan.
“You have a vital role to play in maintaining the friendship between the Philippines and Jordan by protecting our Filipino workers,” binigyang-diin ngAmbassador sa naturang Consultation.
Binanggit ng Ambassador ang quarterly dialogue upang tugunan ang mga karaingan o concerns ng OFWs sa Jordan lalo na sa oras ng pandemya kung saan hirap ang ekonomiya na dahilan kaya ang OFWs ay mas kulang ang natatanggap na suweldo at hindi nababayarang sahod.
Ang Embahada ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang POLO at ATN unit ay malapit na makikipagtulungan sa Association para sa pagsasanay ng mga employers ukol sa labor laws at ng pagsusulong ng mga karapatan at kapakanan ng Pinoy workers. Sapartnership sa PH Embassy, maglalatag ang Association ng isang mekanismo laban sa mga pasaway na employer na blacklisted. Nais ng dalawang partido na humanap ng streamline referral pathways upang siguruhin ang mga nagkakaproblema o distressed OFWs na agarang makatanggap,matugunan at kaukulang assistance.
Dinaluhan ang quarterly dialogue ng mga bagong opisyal ng POLO sa pamumuno ni Labor Attaché Armi Evangel Peña na nagbahagi sa Association ukol sa Republic Act 11641 na mas kilala sa tawag na “An Act Creating the Department of Migrant Workers”.
Binigyang-diin ni LabAtt Peña na ang pagresolba ng Pilipinas sa proteksiyon ng kapakanan at interes ng migrant workers at pangakong isulong ang patas at ethical recruitment.
Aniya nananatiling nakapalibot ang mga panuntunan sa sa pagpapadala o deployment ng Pinoy workers at pinaalalahanan ang Association na gabayan ito ng POEA 2016 Rules for the Deployment of Land-based Workers.Kabilang din sa dumalo sa pulong sina Third Secretary at Vice Consul Angeli A. Payumo, Third Secretary at Vice Consul Sheila Marie G. Andales, Assistant Labor Attache (ALA) Jaybee Baginda, Welfare Officer Berna Del Castillo, at Embassy lawyers. Pinangunahan naman ni AJRA President Mr. Lorans Mohammad Ahmad Abuzaid na siyang may-ari ng Anas and Loranz Abu Zaid Company para sa Recruitment and Employment ng Non-Jordanian Domestic Workers kasama ang iba pang anim na nangungunang opisyal ng Association.
Bella Gamotea