Wala na sa Witness Protection, Security and Benefit Program (WPSBP) ng Department of Justice (DOJ) si suspected dur lord Kerwin Espinosa dahil sa mga paglabag umano nito habang nasa kustodiya ngNational Bureau of Investigation (NBI).

Nakakulong sa NBI sa Espinosa dahil sa mga kasong kriminal na may kaugnayan sa mga kasong illegal drugs na nakabinbin pa rin sa mga hukuman ng Manila at Leyte.

Ang nasabing desisyon ng DOJ ay ipinaalam mismo ni Secretary Menardo Guevarra kay Guevarra.

“You are hereby given notice of the termination of your coverage under the Witness Protection, Security and Benefit Program (WPSBP), upon the recommendation of OIC Deputy Director Atty. Eleanor Rachel M. Angeles, National Bureau of Investigation, effective immediately, in view of your continued commitment of various violations inside the detention facility….” ang bahagi ng abisong ipinadala kay Espinosa.

National

Preventive suspension na inisyu ng Ombudsman, ‘politically motivated’—Mayor Marcy

“Accordingly, the termination of your coverage carries the accessory coverage of your wife and dependents,” ayon pa sa nasabing abiso.

Ayon sa abiso ng DOJ, kabilang sa naging paglabag ni Espinosa ay ang pangha-harass umano ng ibang preso, smggling activities, pag-inom ng alak, paglabag sa curfew hours, paggala sa iba selda ng mga inmate sa kabila ng babala sa kanya, pakikipag-usap sa mga inmate na may mga kaso o paglabag saRepublic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002); at pag-iingat ng ipinagbabawal na bagay, katulad ng mobile phones at mga patalim.

Bukod pa aniya ito sa pagtatangkang tumakas ni Espinosa nitong nakaraang Enero 13 na paglabag saMemorandum of Agreement na nakasaad sa WPSBP,” ayon kay Guevarra.

Matatandaang matapos mabuking ang tangkang pagtakas ni Espino, agad na hiniling niNBI Officer-in-Charge Eric Distor sa DOJ na mailipat na ito saBureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City.

Jeffrey Damicog