Bumaba pa ngayon sa 10 porsyento ang positivity rate ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City simula nitong Enero ng taon, ayon sa OCTA Research Group.
Sa datos ng nasabing independent monitoring group, sinabi ng city government ntong Miyerkules ng gabi na bumulusok na ngayon sa 8.9 porsyento ang hawaan ng sakit mula sa dating 17 porsyento nitong Pebrero 3.
Ang positivity rate ay dami ng mga nasuring nagpositibo sa naturang sakit.
“Ayon sa OCTA Research, 54 percent ang ibinaba ng bilang ng kaso sa lungsod kumpara noong nakaraang linggo," ayon sa Facebook post ng pamahalaang lungsod.
Ipinaliwanag pa na ang average number ng bagong kaso ng karamdaman ay bumaba sa 255 kada araw mula sa dating 558 kada araw na naitala nitong nakaraang linggo.
"Ibig sabihin ay higit sa kalahati ang ibinaba ng kaso sa loob ng isang linggo," sabi nito.
Sa datos naman ng QCEpidemiology and Disease Surveillance Unit, nitong Miyerkules, nakapagtala ang lungsod ng 1,731 na aktibong kaso ng sakit habang nasa254,153 o 98.69 porsyento ang nakarekober at1,659 naman ang kabuuang bilang ng namatay.
PNA