Bad news na naman sa mga motorista.
Nagbabadya na magpapatupad muli ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng malaking dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Martes, Pebrero 8.
Sa pagtaya ng industriya ng langis,posibleng tumaas ng P1.10 hanggang P1.30 sa presyo ng kada litro ng gasolina,P1.15-P1.25 sa kerosene, at P1.00-1.10 sa diesel.
Ang napipintong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Sakaling ipatupad,ito na ang ikaanim na sunod-sunod na linggong oil price hike ng mga kumpanya.
Noong Pebrero 1 huling nagtaas ng P0.75 sa presyo ng gasolina at diesel, at P0.45 naman sa kerosene.
Bella Gamotea