Binanatan ng showbiz columnist na si Ogie Diaz ang aktres na si Vivian Velez, dahil sa kumakalat na screengrab umano ng social media post nito na tinutuligsa ang isa sa mga bahagi ng presidential interview ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo kay King of Talk Boy Abunda.

Nakasaad sa social media post ni Vivian Velez, na kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang isa sa mga naging tanong ni Boy kay VP Leni; kung narco state ba ang Pilipinas. Ang sagot dito ni VP Leni ay 'No'. Muli siyang tinanong ni Tito Boy kung bakit, at ang sagot naman ni VP Leni ay 'Because drug problem is huge'.

Reaksyon ni Vivian, "Namamangha si Boy Abunda! Meron pa bang pag-asa si Leni?"

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

May be an image of 3 people and text that says '< Vivian Velez 1d Boy Abunda: Are we a narco state? Leni: no! Boy Abunda: Why? Leni: Because drug problem is huge. Namamangha si Boy Abunda! Meron pa bang pagasa si Leni?'
VP Leni Robredo at King of Talk Boy Abunda (Larawan mula sa FB/Vivian Velez)

Isang netizen naman ang nag-tweet at inilakip ang screenshots ng socmed post ni Vivian.

"Dear Vivian Velez, tigilan mo na ang pagiging epal at pagkalat ng maling information. Nagmessage ang kaibigan ko sa'yo para naman mabasa mo nang klaro kasi parang hindi ka nanood sa interview, mukhang TikTok at YouTube spliced videos lang ang pinapanood mo. #SinungalingVivianVelez."

VP Leni Robredo at King of Talk Boy Abunda (Larawan mula sa Twitter/Ogie Diaz)

At ito naman ang naging batayan ni Ogie upang tawaging 'fake news' ang aktres.

"Noon pa naman fake news si Vivian Velez. Pag ayaw niya sa'yo, ayaw niya sa'yo."

Kaya paya niya kay VP Leni, "Kaya sorry, VP Leni. You cannot please her. Try harder."

Screengrab mula sa Twitter/Ogie Diaz

Sa isa pang Facebook post ni Vivian noong Enero 28, muli niyang ipinaliwanag ang kaniyang panig tungkol sa kaniyang naunang post.

"Uulitin ko para maintindihan ang post ko. Dami kasing pinapalusot pa ang stupidity," aniya.

Muli niyang isinama ang naging takbo ng pag-uusap nina Tito Boy at VP Leni tungkol sa isyu ng 'narco-state'.

"If we try to analyze Leni’s answer to Boy's question, WHY, did she answer it? She didn't know the meaning of 'a narco-state'?"

Giit pa ni Vivian, dapat daw ay alam ng isang magiging lider ng bansa ang mga termino at nag-eexcel kahit sa mga simpleng tanong.

I don't care if people bash me for my opinions. Di ko isasalalay ang bayan ko sa mga BOBO. Does Leni really have what it takes to be president? Dapat nag-eexcel ka kahit sa simpleng tanong," ani Vivian.

At nagbigay pa siya ng isang halimbawa: ito ay bahagi ng panayam ni Jessica Soho sa pinag-usapang presidential interviews para sa 'one word description.'

Screengrab mula sa FB/Vivian Velez

Screengrab mula sa FB/Vivian Velez

Samantala, isang netizen naman ang nagtanggol kay VP Leni. "Eto kasi 'yun vivian velez," saad sa caption.

Screengrab mula sa Twitter

Image
Screengrab mula sa Twitter