August 18, 2026

Home SHOWBIZ

John Arcilla, umay na sa mga pasaway na panay boto ng kurakot

John Arcilla, umay na sa mga pasaway na panay boto ng kurakot
Photo Courtesy: John Arcilla (FB), via MB

Naglabas ng sentimyento ang award-winning actor na si John Arcilla tungkol sa mga kapuwa niya botanteng naghahalal ng mga kurakot sa gobyerno.

Sa isang Facebook post kasi ni John nitong Martes, Agosto 18, ibinahagi niya ang kuhang video ng isang commuter habang sakay ng bus noong Lunes, Agosto 17, kung kailan bumaha sa ilang lugar sa Metro Manila dulot ng #Habagat.

“Marami ng mga namatay na kababayan natin sa baha,” panimula ng aktor. “Mas importante ba talaga yung tigas ng ulo ninyo na bumoto ng mga IDOL nyo DAHIL GUSTO NYO LANG kahit KURAKOT, kaysa buhay ng mga kababayan natin?”

Dagdag pa niya, “Maayos ang buhay ng mga NAGNANAKAW ng pondo ng bayan, inuuto na kayo sila pa din ang PINIPILI ninyo.”

Ayon kay John, marami raw sa mga nagsasalitang gaya niya ay maayos din naman ang buhay kung tutuusin. Pero gusto raw niyang napupunta ang buwis na binabayad niya para sa karawaing Pilipino, kaya siya bumoboses.

Tsika at Intriga

Thea Tolentino sa malalang baha: Nakakagalit, ilang taon nang paulit-ulit na nangyayari!

 “Pero ayaw nyo maniwala at makinig. Pwede naman kaming manahimik na lang at panoorin kayong nalulunod sa baha pero hindi kami nag sasawa sa pag papa alala,” dugtong pa niya.

Tila likas na talaga kay John ang pagiging kritiko sa mga isyung pampolitika. Matatandaang sa isang panayam ay sinabi niyang mas gusto raw niyang punahin ang gobyerno kaysa manungkulan dito.

MAKI-BALITA: John Arcilla, walang interes sa politika: 'Mas kritiko ako!'